2 preso patay sa diarrhea sa Laguna

2 preso patay sa diarrhea sa Laguna

September 25, 2022 @ 10:08 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dalawang preso ang nasawi sa Cabuyao City Jail dahil sa diarrhea.

Sa ulat ng Bureau of Jail Management and Penology, maliban sa dalawang nasawi ay mayroon na mahigit 80 iba pang persons deprived of liberty ang tinamaan rin ng nasabing sakit dahil sa kontaminadong suplay ng tubig sa piitan.

Nitong Huwebes, Setyembre 22, mayroon pang 28 aktibong kaso ng diarrhea sa Cabuyao City Jail.

Mayroon naman 52 iba pa ang nasa recovery stage na.

Siniguro naman ng BJMP na kontrolado na ang diarrhea outbreak sa nasabing pasilidad. RNT/JGC