2 pulis-Bulacan na nasugatan sa bakbakan, pinarangalan

2 pulis-Bulacan na nasugatan sa bakbakan, pinarangalan

November 29, 2022 @ 5:05 PM 2 months ago


Bulacan – Binisita ni Central Luzon Regional director, PBGEN. Cesar Pasiwen ang dalawang sugatang pulis na napa-engkuwentro sa criminal group sa bayan ng San Miguel nitong madaling araw ng Nobyembre 28.

Kinilala ang dalawang sugatang pulis na sina PCpl. Richard Neri at Pat. Aaron James Ibasco ng 3rd Maneuver Platoon, Bulacan 2nd PMFC.

Kasalukuyang nagpapagaling ang dalawang pulis sa Bulacan Medical Center nang dalawin ni Pasiwen kasama si Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo.

Pinuri nila ang katapangan ng dalawang sugatang pulis na kasamang magsisilbi ng warrant of arrest nang paputukan ng grupo ng grupo sa Brgy. Maligaya na kanilang ginantihan at ikinamatay ng dalawang miyembro nito.

Nalamang binigyan ng financial assistance ang kagitingan ng mga ito kasabay ang Medalya ng Sugatang Magiting. Dick Mirasol III