2 pulis na akusado sa ‘hulidap’ sinibak

2 pulis na akusado sa ‘hulidap’ sinibak

March 31, 2022 @ 10:48 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Sinibak sa pwesto ang dalawang pulis na umano’y sangkot sa pagkawala at pagtatanim ng droga sa mga sabungero na inakusahan ng ‘hulidap’ , ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Nagtungo kahapon sa NBI Special Action Unit (SAU) ang dalawang sabungero kung saan inakusahan si Pat. Roy Navarete at M/Sgt. Michael Claveria ng pagdukot sa kanila noong Nobyembre 2020.

Isinailalim si Navarete sa restrictive custody dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa pagkidnap sa cockfight player na si Ricardo Lasco sa San Pablo, Laguna noong Agosto 30 noong nakaraang taon.

Siya ay na-tag ng mga saksi sa panahon ng pagsisiyasat ng Senado sa pagkidnap kay Lasco.

Sinibak naman sa pwesto si Claveria dahil sa umano’y gawa-gawang kaso ng droga laban sa dalawang sabungero. Jocelyn Tabangcura-Domenden