2 pulis na nagbabantay sa election paraphernalia, niratrat

2 pulis na nagbabantay sa election paraphernalia, niratrat

May 9, 2022 @ 9:11 AM 2 months ago


RIZAL, CAGAYAN–Niratrat at pinagbabaril ang dalawang pulis na itinalaga para magbantay sa election paraphernalia sa Brgy. Lattut, Rizal, Cagayan.

Habang binabantayan nina PSMS Michael Tayad at Pat Silvestre Ruiz ang mga election paraphernalia ay bigla silang pinaputukan ng apat na katao na sakay ng motorsiklo.

Napansin nila ang dalawang motorsiklo na may mga backrider na biglang huminto sa kahabaan ng national highway ng nasabing lugar na halos 100 metro ang layo mula sa Lattut Elementary School at walang habas na nagpaputok sa kanilang direksyon na tumagal ng humigit-kumulang ng dalawampung minuto.

Ang mga hindi pa nakikilalang mga suspek ay nagpaputok gamit ang mahigit apatnapung (40) mga bala ng automatic long firearm na hinihinalaang M16 rifle.

Masuwerteng nakailag ang mga kapulisan at nakapag-kubli ang mga ito kung saan ay hindi sila tinamaan ng bala.

Iniutos na ni PCol. Renell Sabaldica, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office o CPPO ang masusing imbestigasyon para sa posibleng pagkakakilanlan at pagdakip ng 4 na salarin kung sino ang mga nasa likod sa pamamaril sa dalawang pulis. Rey Velasco