2 pulis-Pasig, mga kasabwat tiklo sa pangingikil sa Rizal

2 pulis-Pasig, mga kasabwat tiklo sa pangingikil sa Rizal

October 25, 2022 @ 3:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naaresto ng mga operatiba ng anti-scalawag unit ng Philippine National Police (PNP) ang dalawnag pulis at mga kasabwat na nangingikil ng pera mula sa mga residente na inaakusahan nilang sangkot sa iligal na droga.

Kinilala ni Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) chief Brig. Gen. Warren de Leon nitong Martes ang mga pulis na sina Senior Master Sgt. Michael Familara, 47, desk officer ng Sub-Station 7, Station 2 (Pasig) ng Eastern Police District (EPD) at Cpl. Nathaniel San Buenaventura, 30, beat patroller na parehong istasyon.

Naaresto rin ang dalawang sibilyang kasabwat nila na sina Juan Carlo Fernandez Zapanta at Carl Gorgonio Anito.

Nahuli ang mga suspek ng mga miyembro ng Integrity Monitoring Action Team (IMEAT) bandang alas-9 ng gabi nitong Lunes sa Cainta, Rizal.

“A complainant went to our office to seek help. According to her alleged four men forcibly entered their house on Oct. 18 and took her money amounting to PHP10,000 and the coin bank of her daughter. The complainant was allegedly arrested for illegal drug use and was brought to the vicinity of Pasig City Police Station but was not detained,” ani de Leon.

Humingi ang mga suepek ng P100,000 na ibinaba sa P10,000 na ipadadala sa GCash kapalit ng hindi paghahain ng kaso laban sa kanya.

Nagpadala ng nagreklamo ng P6,000 sa pamamagitan ng GCash noong Oktubre 19. Kinahapunan ng nasabing petsa, nakauwi na rin siya sa kanyang tahanan.

Patuloy siyang kino-contact ng mga suspek upang kunin ang natitirang balanse.

Dahil sa takot, nagtungo ang complainant sa bahay ng kanyang mga kapatid sa Taguig City at inilahad sa kanila ang insidente, noong Oktubre 23.

Ayon kay De Leon, inilunsad ang law enforcement operation wmatapos isa sa mga suspek ang magpadala ng text message sa complainant na kukunin ang balanseng P4,000 na napagkasunduan nila noong Lunes ng gabi.

Matapos ang ilang minuto, dumating ang mga suspek sa bahay ng complainant at kinuha ang balanse.

Sa pagkakaaresto, nakumpiska mula sa mga suspke ang apat na pirasong P1,000 bill (dusted money); isang maliit na transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu; isang Glock 9mm Pistol na may serial number BYG606 at dalawang magasin na may lamang live ammunition (Not PNP issued firearm); isang Taurus 9mm pistol na may serial number TLT94397 at tatlong magasin na may lamang live ammunition (Issued PNP firearm); isang caliber 45 (airsoft); motorsiklo at tatlong cellular phones.

“Upon record check, the arrested suspects are in the Counter Intelligence Watchlist. San Buenaventura for his involvement in mauling incident and illegal discharge of firearm and Familara for estafa /swindling,” sabi ni de Leon.

Kakasuhan ang mga suspek ng robbery (extortion), paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kapwa nahaharap ang dalawang pulis sa criminal at administrative charges. RNT/SA