2 pulis pinagmumura sa presinto ng lalaking nagpakilalang sundalo

2 pulis pinagmumura sa presinto ng lalaking nagpakilalang sundalo

April 5, 2022 @ 1:36 PM 3 months ago


CAMARINES- PATUNG-PATONG na kaso ngayon ang kinakaharap ng isang lalaking nagpakilalang sundalo matapos ireklamo ng pagwawala at pinagmumura ang mga humuling pulis sa kanya Lunes sa Naga City.

Nahaharap ngayon sa mga kasong alarm and scandal, resistance and disobedience to a person in authority, usurpation of authority at iba pa sa Naga City Prosecutor’s Office ang lalaking hindi pinangalanan.

Ayon kay Police Major Miguel Nool III, station commander ng NCPO-Station 3, nakatanggap sila ng report nagwawala ang suspek at may sasakyan na sinusuntok.

Pagdating sa lugar naabutan ang suspek na lango sa alak at nagwawala kaya minabuti na lamang nila itong dalhin sa presinto bago pa may masamang mangyari.

Sa loob ng presinto kita sa closed circuit television (CCTV) na dinuro, minura at binulyawan ng suspek ang dalawang pulis saka nagpakilala ito na miyembro ng Philippine Army, at mayroon daw siyang license to own and possess firearms.

Hinangaan naman ni Nool ang kanyang mga pulis at nagawa nilang ipatupad ang maximum tolerance na isa sa mga training sa PNP./Mary Anne Sapico