2 pusher arestado sa buy bust

2 pusher arestado sa buy bust

August 8, 2018 @ 5:57 PM 4 years ago


 

Caloocan City – Nadakip ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City, kaninang umaga.

Kinilala ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) PSI John David Chua ang mga naarestong suspek na sina Arnel Buccat, 18 at Ruel Cangmaong, 24, ng Maypajo.

Lumabas sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Aian-Jay Gamayon, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa pagbebenta umano ng mga suspek ng iligal na droga kaya agad ikinasa ng pinagsamang mga operatiba ng Station Special Operation Unit (SSOU) at DDEU sa pangunguna ni PSI Jervies Soriano ang buy-bust operation kontra sa mga ito sa alas-10:50 ng umaga.

Nang iabot na ng mga suspek ang isang transparent plastic sachet ng shabu sa undercover police poseur-buyer kapalit ng P300 marked money ay agad inaresto sina Buccat at Cangmaong.

Narekober sa mga suspek ang pitong transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa piskalya ng Caloocan City. Rene Manahan