2 rape suspects dinamba

2 rape suspects dinamba

November 4, 2022 @ 10:01 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang lalaking may kasong rape sa mga lungsod ng Navotas at Valenzuela.

Kapwa dinakip noong Nobyembre 2 sina Evegar R. Garcia, binata, 31, ng 138 Marikit St., Brgy. Tanza 1, Navotas City, at; Wendell B. Colao, 22, istambay, ng 3087 Gumamela Extension, Gen T. Deleon, Valenzuela City.

Sinakote si Garcia sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Emmanuel D. Laurea, Judge ng Regional Trial Court Branch 169, Malabon City na may petsang Abril 18, 2016 para sa kasong rape.

Samantala, dinamba si Colao sa bisa ng warrant na inisyu ni Hon. Mateo B Altajeros, Presiding Judge, Family Court Branch 16, Valenzuela City noong Nobyembre 2, 2022 para naman sa kasong statutory rape. Merly Iral