2 rehiyon sa Pinas napag-iwanan sa target na 60% vaccination coverage

2 rehiyon sa Pinas napag-iwanan sa target na 60% vaccination coverage

March 19, 2022 @ 10:24 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Dalawa lamang sa 17 rehiyon sa Pilipinas ang kaialngang mas bilisan ang pagbabakuna upang maabot ang 60 porsyento ng target population sa coronavirus disease (COVID-19) vaccination program.

Naitala sa Soccsksargen at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang full vaccination coverage na 56.06 porsyento at 25.95 porsyento, batay sa datos mula sa National Task Force Against COVID-19 na inilabas nitong Biyernes.

Naabot naman ng siyam na rehiyon ang halos 70 porsyento ng kanilang target na maging fully vaccinated, isang taon ang makalipas nang simulan ang pagbabakuna– Metro Manila, the Cordillera Administrative Region, the Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, at Western Visayas.

Nakumpleto naman sa mga rehiyon ng Mimaropa, Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao at Caraga, ang COVID-19 primary series ng 60 porsyento ng kanilang target population.

Nakapagturok na sa Pilipinas ng mahigit 139.5 milyong doses ng COVID-19 vaccine sa buong bansa. RNT/SA