2 rider patay sa aksidente!

2 rider patay sa aksidente!

April 4, 2022 @ 4:00 PM 3 months ago


CAVITE – Patay ang dalawang rider sa magkahiwalang na aksidente sa lalawigan.

Dead-on-arrival sa Tanza Family Hospital ang biktimang si John Michael Cesa Villanueva,  20 ng Cesa Compound, Brgy. Amaya 1, Tanza, Cavite habang sa Southern Tagalog Hospital naman isinugod si Bernardino Lagudas ng Rosewood Village, Niog 2, Bacoor Cavite subait hindi na rin ito umabot ng buhay.

Hawak na rin ng Tanza police ang driver ng passenger bus na si Gilbert Zamudio y Datiles, 37 ng Brgy. Mabolo, Naic Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Jonathan Lagario ng Tanza Police Station, dakong alas-2:20 kahapon ng madaling araw nang naganap ang insidente kung saan minamaneho ng driver na si Zamudio ang isang pampasaherong bus habang binabagtas ang kahabaan ng A. Soriano Highway, Tanza, Cavite  subalit pagsapit sa pinangyarihan ng insidente  nang tinangka nitong nagmaniobra sa kanang bahagi nang nabangga nito sa kanyang likod ang minamanehong motorsiklo ng biktima na binabagtas din ang nasabing lugar.

Naisugod pa sa ospital si Villanueva subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Sa ulat naman ni Corporal Edilberto Reyes ng Bacoor City Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo habang binabagtas ang kahabaan ng Aguinaldo Highway dakong alas-2:54 kahapon ng madaling araw patungo sa direksiyon ng Southbound nang pagsapit sa Brgy Panapaan IV, Bacoor City, Cavite sa junction ng SM nang banggain nito ang puwitang bahagi ng isang container/trailer truck.

Nabatid na hindi umano napansin ng driver ng nasabing truck na binangga ito ng motorsiklo ng biktima kaya dumiretso lang ito kaya  hindi nakilala ang driver nito.

Isinugod si Lagudas sa ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay. Margie Bautista