2 robbery-hold up, kidnapping suspect patay sa engkwentro sa SLEX

2 robbery-hold up, kidnapping suspect patay sa engkwentro sa SLEX

June 3, 2021 @ 5:18 PM 2 years ago


LAGUNA – Patuloy pa inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang hindi nakikilalang lalaki na lulan ng isang van na hinihinalang sangkot sa serye ng robbery hold-up at kidnapping  ,nang  maka-engkuwentro kanina ng nga awtoridad  na ikinasawi ng mga ito sa South Luzon Expressway sa Silangan Exit sa  Calamba City.

Kasalukuyang nagsasagawa ng hotpursuit  operation ang mga miyembro ng NCRPO na humantong umano sa habulan hanggang sa maabutan sa nasabing lugar ng dakong alas- 2:10 kanina  , ang sinasakyang kulay white pearl  Van na Toyota Hi-ace Grandia na may plakang WQT – 786 na ikinasawi ng  dalawang  suspek .

Napag-alaman na , ang mga suspek ay hinihinalang sangkot sa serye ng robbery hold-up  at kidnapping na kadalasang binibiktima ang mga dayuhang Chinese na POGO kung saan ang naturan sasakyan ng mga suspek na Toyota Hi-Ace Grandia na Model 2014 ay  nakarehistro diumano kay Jesus J. Bitanga Jr.

Sa report ng Laguna PTOC kung saan nakatanggap  ng report ang RID-ENCAR na umano ay mayroong kinidnap na Chinese National ng mga hindi nakikilalang Robbery /Kidnapping Group sa Asiana Paranaque City na ang gamit na sasakyan ay ang Toyota Hi-ace Van , kung saan kasalukuyang nagsasagawa ng patrulya ang mga miyembro ng RID- ENCAR sa Southern NCR nang makita ang sinasakyan ng mga suspek na papasok ng SLEX na patungong Cabuyao Exit, na humantong sa engkuwentro at ikinasawi ng dalawang hindi nakikilalang mga  salarin ./ ELLEN APOSTOL