2 Russian embassy staff lasog sa suicide bomber sa Kabul

2 Russian embassy staff lasog sa suicide bomber sa Kabul

September 6, 2022 @ 11:55 AM 4 weeks ago


KABUL — Dalawang kawani ng embahada ng Russia sa Kabul ang nasawi nang pag-atake ng isang suicide bomber malapit sa pasukan ng embahada.

Sugatan naman ang 11 iba pa base sa datos ng Russian Foreign Ministry.

Kinumpirma ng pulisya na dalawang tao ang namatay sa insidente ngunit hindi nagbigay ng kanilang pagkakakilanlan, habang ang assailant ay binaril ng mga armadong guwardiya habang papalapit sa gate.

“The suicide attacker before reaching the target, was recognized and shot by Russian embassy [Taliban] guards…there is no information about casualties yet,” ani Mawlawi Sabir, head ng police district sa interbyu sa Reuters.

Sinabi ng Russian Foreign Ministry sa isang pahayag na isang hindi kilalang militante ang nagpasabog.

Ang Russia ay isa sa ilang mga bansa na nagpapanatili ng isang embahada sa Kabul pagkatapos na sakupin ng Taliban ang bansa mahigit isang taon na ang nakararaan.

Bagama’t hindi opisyal na kinikilala ng Moscow ang gobyerno ng Taliban, nakipag-usap sila sa mga opisyal tungkol sa isang kasunduan sa pagbibigay ng gasolina at iba pang mga kailanganin. RNT