2 sa 3 suspek sa pagpatay sa barangay chairman sa Batangas, tiklo – Azurin

2 sa 3 suspek sa pagpatay sa barangay chairman sa Batangas, tiklo – Azurin

March 6, 2023 @ 5:07 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Naaresto na ng pulisya ang dalawa sa tatlong suspek sa pagpatay sa barangay chairman sa Batangas.

Ito ay ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. nitong Lunes, Marso 6 kung saan tinukoy niya ang mga naarestong suspek na sina Lito Bautista at Rene Boy Carbajosa.

“On March 4, 2023, two of the suspects, Lito Bautista, government employee (ambulance driver)…and Rene Boy Carbajosa who was on board and seated at the front passenger side of the said getaway vehicle used were arrested,” ani Azurin.

Dagdag pa niya, ang sasakyan na ginamit sa pamamaril ay narekober mula kay Carbajosa.

Hinahanap pa ng mga awtoridad ang isa pa sa gunman na kinilalang si Allan Edroso na pinaniniwalaang tumira sa biktima na si Vivencio Palo sa Lipa City noong Pebrero 26.

Nagkasa ng operasyon kaugnay nito ang Batangas Police Provincial Office upang matukoy ang mga gumamit ng blue sedan na sinakyan ng mga namaril. RNT/JGC