2 sa 4 na BDO hackers, natunton na!

2 sa 4 na BDO hackers, natunton na!

December 15, 2021 @ 10:31 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Natunton na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang dalawa sa apat na nasa likod ng pag-hack sa mga BDO accounts at pagsamsam ng pera mula rito.

Sinabi ni Melchor Plabasan, director ng Technology Risk and Innovation Supervision Department ng BSP, na ang mga nasabing suspek ang nasa likod ng ginamit na pangalan na Mark Nagoyo.

Giit ni Plabasan sa interbyu sa One News na ang dalawa sa apat na suspek ay hindi empleyado ng BDO o ng UnionBank.

Hindi naman sinabi ni Plabasan kung mga Pinoy o ibang lahi ang mga suspek.

Nauna na kasing sinabi ng National Bureau of Investigation na maaring lokal na sindikato lang ang nasa likod ng nasabing hacking incident.

“Our initial assessment based on things already gathered showed that a local syndicate, not an international one, may be behind this incident,” ani NBI cybercrime chief Vic Lorenzo sa interbyu sa dzRH.

Matatandaang nauna nang bumuo ang BSP ng task force para tumutok sa nasabing kaso.

Ipinangako naman ng BDO na ibabalik nila ang anomang perang nawala mula sa kanilang mga customer. RNT