2 sa 5 Pinoy naghahanap ng ‘holidate’ – sarbey

2 sa 5 Pinoy naghahanap ng ‘holidate’ – sarbey

October 4, 2022 @ 5:48 PM 6 months ago


MANILA, Philippines- Isa ka ba sa mga indibidwal na naghahanap ng “holidate?”

Batay sa pinakabagong Bumble study ng YouGov Singapore, dalawa sa limang Pilipino ay “looking for someone to spend the Holidays with.”

Batay sa survey, mayroong tatlong pangunahing dahilan kung bakit nais ng mga Pilipino na makahanap ng “holidate,” at una na rito ay upang may maisama sa family get-togethers.

Sa Filipino household culture, ang pangunahing tanong sa single family members tuwing reunion ay “Wala ka pa rin jowa?” at 27% ng mga indibidwal sa survey ang may ganitong motibo kung bakit naghahanap ng “holidate.”

Nang tanungin kung bakit nais nilang magsama ng date sa isang family gathering, tumugon ang mga Pilipino ng family pressure (23%) at pagiging natatanging single na dumadalo sa pagtitipon (23%) bilangpangunahing mga rason.

Samantala, 12% naman ang makikipagrelasyon sa Christmas season para sa regalo, at 11% ang naghayag ng kagustuhan na magkaroon ng partner dahil sa family pressure.

Ayon kay Bumble APAC Communications Director Lucille McCart, bagama’t “stressful” na maghanap ng pag-ibig tuwing Holidays dahil sa mas matinding social at cultural pressure, most nais pa rin ng mga Pilipino “to make connections in the coming months.”

“The good news is that Filipinos still love [to] love. With so many people open to meeting someone, we are bound to see many Bumble success stories born from this ‘holi-dating’ season,” dagdag niya.

Isinagawa ng YouGov Singapore Pte Ltd. ang online Bumble study mula Agosto 5 hanggang 16 sa 1,118 single Filipino adult respondents na may edad na 18 hanggang 41. RNT/SA