2 senador tutulong sa pagpapahusay ng housing program ng PH gov’t

2 senador tutulong sa pagpapahusay ng housing program ng PH gov’t

September 7, 2022 @ 5:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kapwa naghain ng hiwalay na panukalang batas sina Senador Lito Lapid at Christopher Lawrence Go upang makatulong sa pagpapabuti ng housing program ng gobyerno.

Nitong Miyerkoles, naghain si Lapid Senate Bill No. (SBN) 1232 o ang Free Housing Through Usufruct Act of 2022 upang lumikha ng usufruct housing program n a payagan ang benipisaryo na magamit ng libreo ang ari-arian bilang usufructuary, na kung saan nananatiling pag-aari ng gobyerno.

Iginiit ni Lapid na maraming housing program ng pamahalaan ang sinasamantala ng ilang benepisaryo na ibinebenta ang kanilang tahannan sa halip gamitin at tirhan para sa pamilya.

“Taliwas ito sa layunin ng mga programa natin sa pabahay na nais bigyang tahanan ang bawat pamilyang Pilipino , ayon kay Lapid sa pahayag.

Sakaling maisabatas, papayagan ng SBN 1232 ang gobyerno na manatili ang pagiging may-ari ng yunit sa pamamagitan ng usufruct arrangement at kunin ito upang maialis sa real estate market na inaasahang tutugon sa matagal ang problema sa bentahan ng pabahay ng mga benepisaryo upang kumita sa halip na gamitin.

“Even with the existence of low-cost housing, which should be inexpensive, the same cannot still be afforded by the intended beneficiaries,” ayon kay Lapid.

Sinabi ni Lapid na maaaring gamitin ng benepisaryo ang ari-arian sa pagtira lamang ng kanilang pamilya hangga’t hind sila madidiskuwalipikado o makagawa ng paglabag kabilang ang pagpaparenta, pagpa-upa, at pagbebenta na inililipat ang pagmamay-ari sa ari-arian.

Samantala, gusto naman ni Go na lumikha ng National Housing Development, Production and Financing (NHDPF) Program, na may layunin na itaas ang produksiyon ng pabahay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga relevant stakeholder na tugunan ang pangangailangan sa social housing para sa pamilyang Filipino.

“Through his filed SBN 426, the government shall generate and mobilize funds to guarantee the development of a sustainable, accessible, and affordable housing financing system for the country’s informal settlers,” ani Go.

Sinabi ni Go, dapat paigtingin ng Department of Human Settlements and Urban Development at attached key shelter agencies sa implemenmtasyon ng vital components ng NHDPF program.

“Through these measures, it is my hope that the government will be better able to meet the demands of the modern world by delivering improved, efficient, and effective public services to all Filipinos,” ayon kay Go.

“Kapag naisabatas ang mga ito, hindi na po kailangan lumapit at humingi ng tulong sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang mga tao. Ang gobyerno na ang lumalapit sa tao,” dagdag niya. Ernie Reyes