2 senate bill, sinertipikahan ni PDU30 bilang urgent

2 senate bill, sinertipikahan ni PDU30 bilang urgent

May 31, 2021 @ 6:32 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Malakanyang na sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang urgent bill ang Senate Bill No. 2232 na may pamagat na “An Act Taxing Philippine Offshore Gaming Operations, Amending for the Purpose Sections 22, 25, 27, 28 and Adding a New Section 125-A of the National Internal Revenue Code of 1997, As Amended, and For Other Purposes.”

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na umaasa sila na sa pamamagitan ng batas na ito ay hindi lamang makakapag-generate o makalilikha ng kakailanganing buwis sa bansa kundi maging mailalagay ang industriya sa ilalim ng tinatawag na “stricter government oversight.”

Sa kabilang dako, sinertipikahan din ni Pangulong Duterte bilang urgent bill ang Senate Bill No. 2234, na may pamagat na “An Act Creating the Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos,” .

Layon nito na pagkalooban ng “more efficient, whole-of-government approach” para protektahan ang karapatan at itaguyod ang kapakanan at interest ng mga overseas Filipinos. Kris Jose