2 senior na myembro ng Anakpawis, patay sa Sorsogon

2 senior na myembro ng Anakpawis, patay sa Sorsogon

January 17, 2022 @ 7:56 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang senior citizen na miyembro ng Anakpawis Sorsogon sa Barangay San Vicente sa bayan ng Barcelona, Sabado ng umaga.

Base sa ulat ng pulisya, nagmamaneho ng tricycle ang 70 anyos na si Silvestre Fortades Jr., sakay ang kinakasamang si Rose Maria Galias, 68 anyos.

Sa paghinto sa sari-sari store dito na sila pinagbabaril ng dalawang lalaki.

Nakuha sa pinangyarihang ang 13 basyo ng kalibre 45.

Sa pahayag ng Anakpawis Sorsogon, sinabi nila na kapwa nagtitinda ng bawang, sibuyas at iba pang sangkap sa pagluluto ang dalawang biktima nang mangyari ang pamamaril.

Kinondena naman ng Karapatan Bikol, Bayan Bikol, Defend Bicol ang pagpaslang sa dalawa na pareho ring miyembro ng Samahan ng Magsasaka local chapter ng KMP Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

Iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. RNT