2 sinibak na parak, arestado sa kidnapping

2 sinibak na parak, arestado sa kidnapping

January 20, 2023 @ 6:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang dating pulis na sangkot sa kidnapping at pagpatay sa isang babae sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Kinilala ni CIDG chief, Brig. Gen. Romeo Caramat, ang mga suspek na sina ex-Staff Sergeant June Marcelo Mallillin ng bayan ng Palayan, at ex-Master Sergeant Rowen Reyes Martin, kapwa miyembro ng Cabanatuan City police station.

Sinabi ni Caramat na naaresto ang mga suspek nitong Huwebes sa RTC-Branch 24, Old Capitol Compound sa Cabanatuan City batay sa Joint Judgment na may petsang Jan. 18, 2023, na inisyu ni Presiding Judge Ana Marie Joson-Viterbo, na humahatol sa kanila sa kasong kidnapping for ransom with homicide sa ilalim ng Art 267 ng Revised Penal Code as amended by Republic Act No. 7659.

“Nakatanggap ng tawag ang ating mga tauhan sa Nueva Ecija mula sa nasabing korte upang ipaalam na sila ay maglalabas nga ng kanilang hatol laban sa mga akusado. Nagpunta naman agad ang ating tauhan doon, kumuha ng kopya ng Joint Judgment at isinagawa ang pag-aresto,” pahayag ni Caramat nitong Biyernes.

Nakasaad sa 36-page Joint Judgment na ang akusado at co-accused ay “confederating and conspiring with one another, mutually aiding and abetting one another with the use of firearms, did then and there willfully, unlawfully and feloniously kidnap and threaten to kill Nadia Motalib Casar, for the purpose of extorting a PHP100,000 ransom from her and her family, then killed, burned and buried her body, to the damage and prejudice of her family.”

“Ayon din sa nasabing Joint Judgment, si Casar at kasama nitong Grab driver na si Mark Nua Batac ay dinukot ng nasabing mga akusado noong July 20, 2021 sa Santa Rosa town, Nueva Ecija. They were detained in an undisclosed location and the lady victim was instructed to call her family to send money in exchange for her freedom. The Grab driver was released, but unfortunately, the victim’s burned cadaver was located and recovered 13 days after,” patuloy ni Caramat.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Nueve Ecija office sina Mallillin at Martin habang hinihintay ang commitment order mula sa korte. RNT/SA