2 studes hati na sa module sa susunod na quarter

2 studes hati na sa module sa susunod na quarter

November 20, 2020 @ 6:59 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Paghahatian na nang dalawang mag-aaral ang isang module simula sa susunod na quarter ayon kay Senator Pia Cayetano.

“For the first quarter the ratio is 1:1 but in the succeeding quarters it would be 1:2. What will happen is the modules will be returned, they will be disinfected and then they will be shared with the next student,” saad ni Cayetano.

“They are making the best use of the available funding that they have and what it will fit is the 1:2 ratio,” dagdag ng senadora.

Batay sa school calendar ng Department of Education, magtatapos ang first quarter sa Nobyembre 28 habang ang second quarter ay mula Disyembre 1 hanggang Pebrero 6, 2021.

Tinanong naman ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan kung sapat ang P16.6 bilyon para mapanatili ang 1:2 ratio ng learning module pati na paggawa, pag-imprenta, at pamamahagi nito sa 2021.

“With the current budget, they can sustain 1:2 [until the end of the school year] and if there are bidders that would come in at better prices then they will be able to improve that,” sagot ni Cayetano.

Dagdag naman ni Pangilinan na mayroong P5 bilyong inilaan sa modules sa ilalim ng unprogrammed funds. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...