2 sugatan, P200K pinsala sa sunog sa Sta. Ana, Maynila

2 sugatan, P200K pinsala sa sunog sa Sta. Ana, Maynila

March 5, 2021 @ 3:05 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Dalawa ang iniulat na sugatan habang tinatayang P200,000 halaga ng pinsala mula sa nasunog na residential structure sa Sta. Ana, Maynila ngayong Biyernes.

Sa upadte ng BFP-NCR, nagsimula ang sunog sa isang palapag na bahay na pag-aari ni Eric Cornes sa  3190 F. Roxas St., Sta. Ana, Maynila.

Nagsimula ang sunog bago mag-alas dose ng tanghali na agad inakyat sa ikatlong alarma.

Dali-dali namang nakaresponde ang mga fire truck ng BFP at fire volunteers kaya hindi na lumawak pa ang sunog.

Bagama’t nasa 30 pamilya ang naapektuhan sa sunog, wala namang naiulat na nasawi sa sunog maliban sa mga nasugatan.

Sa ngayon ay inaalam pa ang naging sanhi ng naturang apoy. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •