2 sugatan sa dispersal sa barikada vs minahan sa Sibuyan

2 sugatan sa dispersal sa barikada vs minahan sa Sibuyan

February 3, 2023 @ 2:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sugatan ang dalawa katao matapos ang nangyaring dispersal sa human barricade na binuo ng mga residente ng Sibuyan upang pigilan ang mining operations sa lugar.

Ayon sa environmental group na Alyansa Tigil Mina (ATM), gumawa ng barikada ang mga residente dahil sa di-umano ay illegal na mining operations ng Altai Philippines Mining Company, kung saan bigo itong makapagpakita sa mga nagprotesta, ng kaukulang legal na dokumento para makapag-operate.

“Two were hurt after Sibuyonon defenders try to block mining trucks in entering the private port. Three trucks with nickel ores passed through the barricade today,” saad ng ATM sa isang Facebook post.

“Three trucks with nickel ores passed through the barricade today”, sinabi pa ng grupo.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang Department of Environment and Natural Resources sa naturang pangyayari. RNT/JGC