2 sugatan sa fireworks sa QC

2 sugatan sa fireworks sa QC

January 1, 2022 @ 9:56 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Sugatan ang dalawang indibidwal dahil sa fireworks sa pagdiriwang ng Bagong Tao at isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Kapwa babae ang biktima kung saan may edad na 12 at 46.

Nagkaroon ng gasgas ang kanang paa ng 12-anyos dahil sa sumabog na kwitis habang nagtamo naman ang 46-anyos ng first-degree burn sa may mata dahil sa  fountain fireworks.

Nauna na nga ritong umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasang gumamit ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.  RNT/FGDC