2 sugatan sa ligaw na bala sa Abra

2 sugatan sa ligaw na bala sa Abra

January 1, 2023 @ 4:27 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dalawang indibidwal ang sugatan matapos matamaan ng ligaw na bala sa Abra kasabay ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Ayon kay Police Regional Deputy Regional Director for Operations PCol. Ronald Gayo nitong Linggo, Enero 1, binigyan na nila ng 72 oras ang mga tauhan upang tuntunin ang sangkot sa pagpapaputok ng baril.

Maliban dito, wala nang ibinigay pang ibang detalye si Gayo.

“It is very unfortunate that we have recorded two cases, two victims of stray bullets, and it happened in the province of Abra,” aniya.

“It is the directive of Brigadier General [Mafelino] Bazar that within 72 hours, the people behind this incident, which caused damages against these two people, would be identified,” dagdag pa.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health, umakyat na sa 137 ang fireworks-related injuries sa bansa. RNT/JGC