2 sundalo patay sa engkwentro sa rebeldeng grupo

2 sundalo patay sa engkwentro sa rebeldeng grupo

October 8, 2022 @ 2:00 PM 2 months ago


EASTERN SAMAR- Patay ang dalawang sundalo habang sugatan ang tatlo kabilang 10-anyos na batang babae ng makasagupa ng tropa ng pamahalaan ang rebeldeng grupo Biyernes sa Jipapad.

Kinilala ang mga nasawi na sina Staff Sergeant John Claire Flores at Private First Class Mark Edupancho Siscar, habang sugatan sina Sergeant Allan Tallania at Private First Class Lou Mark Mengote, pawang mga kasapi ng 52nd Infantry Battalion.

Sugatan rin ang 10-anyos na batang babae na kinilalang si Princess Norcio at lahat ay nilapatan ng lunas sa ospital.

Ayon kay Colonel Perfecto Penaredondo, commander ng 803rd Infantry Brigade, dakong ala-1:30 ng madaling araw sumiklab ang sagupaan sa Barangay Dorillo, Jipapad, Eastern Samar.

“The CPP-NPA attacked at the holiest hour of the night when locals are already in bed. Tinarget pa nila ang mga civilians (They targeted civilians), which is a clear violation sa International Humanitarian Law and Republic Act 985. Nakikiramay po kami sa pamilya ng yumao naming kasamahan. Sa mga kababayan natin sa Eastern Samar, hindi namin kayo iiwan,” sabi pa niPeñaredondo. Mary Anne Sapico