2 sundalo patay sa engkwentro vs NPA sa Abra

2 sundalo patay sa engkwentro vs NPA sa Abra

October 27, 2022 @ 5:40 PM 1 month ago


GAMU, Isabela- Patay ang dalawang sundalo, habang nawawala ang isa niotng Huwebes matapos atakihin ng New People’s Army (NPA) ang tropa ng pamahaan na rumeresponde sa  lalawigan ng Abra kasunod ng lindol.

Sinabi ni Lieutenant Colonel Ricardo Garcia III, commander ng 24th infantry battalion, sna patungo ang mga sundalo sa bayan ng Baay-Licuan para sa disaster response operation.

Tinambangan ang militar sa Barangay Gacab sa bayan ng Malibcong, ayon sa Army.

“We condemn, in the strongest terms possible, the barbaric act of the Communist Terrorist Group,” pahayag ni Garcia.

Dagdag niya: “We assure our people, particularly the families of our soldiers, that we will pursue the perpetrators and bring them to justice.”

Tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa Abra nitong Martes, alas-10:59 ng gabi. RNT/SA