2 sundalo tigbak sa engkwentro

2 sundalo tigbak sa engkwentro

August 21, 2022 @ 9:37 AM 2 months ago


ABRA- PATAY ang dalawang sundalo matapos makasagupa ang Communist Terrorist Groups (CTG) habang nagsasagawa ng focused military operation ang tropa ng pamahalaan kahapon sa tri-boundary ng Kalinga-Apayao at Abra.

Kinilala ang mga nasawi na sina 2LT Nasser Dimalanes at PFC James S Fontanilla Jr., pawang mga miyembro ng Scout Platoon ng 98th IB, 5ID.

Batay sa report, naganap ang sagupaan sa boundary ng Barangay Katablangan, Conner, Apayao at Sitio Binwan, Barangay Lenneng, Kabugao, Apayao .

Lumabas sa imbestigasyon, nagsasagawa ng operasyon ang tropa ni Dimallanes sa nasabing lugar ng makasagupa nila ang nasa 15 kasapi ng CTG sa ilalim ng KLG North Abra ICRC.

Tumagal ng 20-minuto ang palitan ng putok na ikinasawi ng dalawang sundalo habang mabilis naman tumakas ang teroristang grupo.

Sa ngayon nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng mga sundalo at inalerto na rin ang lahat ng unit ng AOR para sa ikadarakip ng mga miyembro ng CTG.

Maging ang pagsasagawa ng checkpoint sa mga lugar na posibleng daan ng mga armadong grupo at hinigpitan na din./Mary Anne Sapico