2 sundalong tutulong sa lindol sa Abra, pinatay ng NPA

2 sundalong tutulong sa lindol sa Abra, pinatay ng NPA

October 28, 2022 @ 4:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patay ang dalawang miyembro ng Philippine Army (PA) habang dalawa naman ang nasaktan nang tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang nakadestino sa Abra upang magbigay sana ng humanitarian assistance at disaster relief operatinos sa naturang probinsya.

Ayon kay Col. Medel Aguilar, spokesperson of the Armed Forces of the Philippines (AFP), ang mga nasawi ay miyembro ng24th Infantry “Wildcat” Batallion (24IB) ng 5th Infrantry Division.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Privates First Class Ariz Bautista at Jimmy Viernes habang ang mga nasaktan naman ay hindi pinangalanan.

Dagdag pa ni Aguilar, ang tropa ay pinasuporta muna sa pagsasagawa ng operasyon sa mga biktima ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra.

“Itong apat ay naatasan na mag-augment sa HADR. On their way ay tinambangan sila ng NPA at dalawa ang namatay on the spot tapos ‘yung dalawa ay nasugatan,” pagbabahagi ni Aguilar.

Ayon pa sa tagapagsalita ng PA, nadiskubre nila ang temporary encampment ng NPA malapit sa lugar ng pananambang.

“Siguro ay nag-aabang sila ng mga tropa na pupunta. Wala kaming ibang suspects kundi sila. May identified na unit, itong KLG Abra. Sila lang ‘yon,” dagdag pa.

Kinondena ng mga opisyal ang insidenteng ito na ang layon lamang ng mga sundalo ay tumulong sa mga biktima ng lindol.

“We condemn in the strongest terms possible the barbaric act of the CTG [communist terrorist group]. We assure our people particularly the families of our soldiers that we will pursue the perpetrators and bring them to justice,” pahayag ni Lt. Col. Ricardo Garcia III, battalion commander of the 24IB.

“This gruesome ambush against our soldiers in disaster response mode is another proof of their cruelty and inhumanity to our countrymen. Naghihirap na nga ang kababayan natin sa trahedya, itong mga nais na tumulong at magresponde na sundalo natin sana ay walang awang pinaslang nila,” ayon naman kay Brig. Gen. Audrey Pasia, 5ID commander. RNT/JGC