2 sunog na katawan, nadiskubre sa Nasugbu, Batangas

2 sunog na katawan, nadiskubre sa Nasugbu, Batangas

February 20, 2023 @ 8:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Natagpuan ng isang security guard ang sunog na katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki, at isang babae sa isang bakanteng lote sa Nasugbu, Batangas.

Base kay Nasugbu Police Station Deputy Police Captain Judito Baligod, itinapon umano ang mga bangkay at posibleng sinunog sa bakanteng lote, batay sa takip ng gasoline container na natagpuan sa lugar.

“Ito ay itinapon lang sa lugar and then binuhusan ng gasoline and sinunog po,” aniya sa panayam nitong Linggo.

Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga labi, na parehong tinatayang nasa edad 30 hanggang 40 taon.

Sinusuri na ng mga imbestigador ang posibleng CCTV footage sa lugar, kung saan walang napansin ang mga residente na usok. RNT/SA