2 suspected NPA leader arestado sa Agusan

2 suspected NPA leader arestado sa Agusan

December 9, 2022 @ 1:17 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang lider ng New People’s Army (NPA) sa Agusan del Norte.

Kinilala ang mga nahuli na sina Kim Mapoy alyas “Patrick”, 28; at kapatid nito na si Loreto Mapoy alyas “Arvin”, 35 na may 19 at 14 na arrest warrant.

Sa impormasyon, ang nakatatandang Mapoy ay itinuturong dating sekretarya ng nabuwag na Guerilla Front (4A) sa North Central Mindanao Regional Committee (NCRMC).

Nasa listahan ito ng No. 1 most wanted sa Caraga region dahil sa murder, arson, multiple attempted murder, attempted murder at multiple frustrated murder.

Ang nakababatang kapatid naman nito ay dating commanding officer ng NCMRC.

Nasa listahan naman ito ng No. 2 most wanted sa Caraga at mayroong 14 arrest watrants sa mga kasong murder, arson, multiple attempted murder, attempted murder, at multiple frustrated murder.

“The arrest of these two topmost wanted CTG personalities only proves the dedication and commitment of Caraga cops to free the region from the threats posed by the terrorist group,” ani Caraga police Regional Director Brig. Gen. Pablo Labra II sa pahayag nitong Huwebes, Disyembre 8.

“The aggressive stance of PNP Caraga against insurgency and terrorism will remain until the Caraga region will be declared insurgency-free,” dagdag pa. RNT/JGC