2 suspek at misis, pinagbabaril patay

2 suspek at misis, pinagbabaril patay

February 11, 2023 @ 4:28 PM 1 month ago


BACOLOD CITY — PATAY ang dalawang suspek at misis na itinuturong pangunahing suspek sa pagpatay sa kapatid ng alkalde, iniulat kahapon, Pebrero 10 sa bayan ng Valencia.

Kinilala ang mga nasawi na sina Danish national Tim Moerch, 45; misis nitong si Karen Kate Cadiente Moerch; kapwa nakatira sa West Balabag at Maila Ozoa Cagas, 40, ng Barangay Cadawinonan, ng naturang bayan.

Batay sa report ng Valencia-PNP, bandang 11:20 PM ng maganap ang krimen sa Barangay Balugo, Valencia.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang mag-asawang Moerchs na kalalabas lamang ng kulungan ng bigla na lamang silang tambangan at pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan ng hindi kilalang suspek na agad nilang ikinasawi.

Ilang minuto ang makalipas sunod naman binaril-patay si Cagas.

Matatandaan na natagpuan ang bangkay ni Don Paulo Zartega Teves, 42, nakababatang kapatid ni Mayor Edgar Teves Jr. noong Lunes (Enero 6) bandang 8:33 AM sa Purok 3, Barangay Calayugan, Valencia.

Nakitaan ng tama ng bala ng baril sa ulo ang batang Teves na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Kinagabihan ng Lunes, agad na nadakip ang mga suspek na sina Tim, Cagas at sumunod naman na naaresto ay si John Edward Remollo.

Pagdating ng Miyerkules, nagpalabas ng release order si Assistant Provincial Prosecutor Florence Ed Obial-Kadusale sa mga susek na sian Moerch at Cagas dahil hindi umano ang tama ang pagkakadakip sa mga suspek.

Ayon sa pulisya, mayroon hindi pagkakaunawaan ang mga suspek at biktima na kung saan mayroon itong blotter report sa himpilan ng pulisya.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen. Mary Anne Sapico