2 suspek himas-rehas sa P13.6M marijuana

2 suspek himas-rehas sa P13.6M marijuana

February 25, 2022 @ 2:00 PM 4 months ago


KALINGA-Swak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos silang masabat sa isinagawang interdiction/checkpoint operation sa Dinakan, Dangoy, Lubuagan ng lalawigang ito kaninang madaling araw.

Nasamsaman ang dalawa ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng mahigit na P13.5 milyon.

Kinilala ang mga arestado na sina Aldren Paul Cabanes Pacion, 27, at Jaymor Sacatani Eusebio, 31, parehong residente ng San Vicente, Tuao, Cagayan.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 106 na bricks ng dried marijuana leaves at pitong tubular form na dried marijuana stalks and leaves with fruiting tops, isang huawei cellphone, isang iphone,at isang L300 mitsubishi.

Ang interdiction/checkpoint operation ay ikinasa ng mga pinagsanib na puwersa ng Lubuagan MPS, 1st at 2nd KPMFC, PDEA-CAR, Tinglayan MPS, Pasil MPS, RIU 14, RID PROCOR, RDEU, PDEU, PIU Tabuk CPS, RECU/PECU, RACU COR, 1503rd RMFB at CIDG Kalinga/Apayao.

Tinatayang may timbang na 113,000 grams ang mga nakumpiskang droga. Rolando S. Gamoso