2 suspek sa ‘Casabuena masaker’ sa Bulacan, arestado

2 suspek sa ‘Casabuena masaker’ sa Bulacan, arestado

April 4, 2019 @ 4:26 PM 3 years ago


Bulacan – Iniharap sa media ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang dalawang naarestong suspek sa karumal-dumal na ‘Casabuena Masaker’ sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa isang press conference sa Camp Olivas sa Pampanga, kinumpronta ni Albayalde ang mga suspek na kinilalang sina Wilson Cortes, 28 anyos at Joselito Cortez, 48 anyos.

(c) Danny Querubin

Naaresto ang suspek na si Wilson Cortes, asawa umano ng pinsan ni Casabuena, sa North Caloocan habang nasakote naman ang isa pang suspek na si Joselito Cortez sa San Jose Del Monte, Bulacan.

READ: 2 suspek sa pagpatay sa mag-iina sa Bulacan, arestado

Sa ikinasang operasyon, positibong nakita ng mga pulis ang mga damit na may dugo na hinihinalang pagmamay-ari ng mga suspek at ang mga damit na kanilang sinuot nang sinasagawa ang krimen.


(c) Danny Querubin

Umamin umano si Wilson na binalak lang nilang nakawin ang cellphone ng biktima pero nagpumiglas ito kaya nila sinaksak.

READ: Ginang, 2 anak natagpuang patay sa Bulacan

Matatandaang natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay si Jaymee Casabuena, 28-anyos, at dalawa niyang anak na edad walo at lima kagabi. Maging ang alagang aso ng mga biktima ay pinatay rin. Remate News Team

Danny Querubin