2 suspek sa pagpatay kay Percy Lapid nahagip ng CCTV – SPD

2 suspek sa pagpatay kay Percy Lapid nahagip ng CCTV – SPD

October 5, 2022 @ 4:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy nang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na sangkot sa pagbaril-patay sa komentarista na si Percy Lapid makaraan mahagip ang mga ito sa CCTV camera.

“May dalawa na possible perpetrators na nahagip ng CCTV. Effort is being exerted to identify them,” sinabi ni Southern Police District deputy district director for operations Police Colonel Restituto Arcangel nitong Miyerkules, Oktubre 5 sa panayam ng GMA.

Sa isang statement, sinabi ng pamahalaan lungsod ng Las Pinas na nangangako silang bibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Lapid.

Nagpaabot rin ng pakikiramay ang mga ito sa pamilya at mga kaibigan ng biktima.

“The killing of journalists is a direct attack on press freedom and curtails people’s right to truth and expression. The Las Piñas City Police has formed a special task force to immediately investigate this heinous crime,” ayon sa Las Pinas LGU.

“We extend our heartfelt sympathies and condolences to the bereaved family and vow to bring justice for Percy,” dagdag pa.

Matatandaan na ayon sa mga otoridad, isa sa itinuturong motibo sa pagpatay kay Lapid ay may kinalaman sa trabaho nito bilang isang komentarista. RNT/JGC