2 suspek sa pagpatay sa doktor sa QC, arestado

2 suspek sa pagpatay sa doktor sa QC, arestado

July 31, 2022 @ 9:20 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang umano’y gunman at mastermind sa pagpatay sa isang doktor sa Quezon City nitong nakalipas na July 15,2022.

Makaraang madakip sa presinto nagkita ulit ang gunman at ang itinuturo nitong nag-utos sa kanya para patayin ang biktimang si Dr. Valentin Yabes.

Nabatid sa panayam sa suspek, inamin nito ang pagpatay sa biktima sa utos umano ng kanyang among isa ding doktor.

“Bilang po akong maintenance ni sir Ito, meron silang alitan ni Doc Yabes, tapos pinag-utusan po akong patayin si Dok Yabes. Trabahuhin ko daw si Dok Yabes…sabi niya sa akin meron daw silang alitan sa clinic. Ginawa ko lang ang utos niya. Binigay niya sa aking yung baril at pinuntahan ko sa clinic, bale isang linggo akong palakad-lakad ‘dyan.” base sa pag-amin ng suspek.

Nauna rito si Yabes ay nagtamo ng isang tama sng bala ng kalibre .45 baril sa ulo matapos malapitang paputukan ng suspek.

Nabatid sa imbestigasyon ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, nakita sa CCTV ang pag-aligid ng suspek sa clinic ng biktima bago at pagkatapos nangyari ang krimen.

Kaugnay nito positibo din siyang itinuro ng mga tauhan ng biktima dahil dati na rin pala itong nagtrabaho sa clinic ni Yabes. (santi celario)