2 suspek sa pambobomba sa bus patay sa operasyon

2 suspek sa pambobomba sa bus patay sa operasyon

November 28, 2022 @ 2:05 PM 2 months ago


COTABATO CITY – Patay ang dalawang miyembro ng Daulah Islamiyah (DI) na suspek sa pambobomba sa pampasaherong bus sa pagsisilbi ng warrant of arrest ng mga awtoridad kahapon ng umaga, Nobyembre 27 sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga namatay na suspek na sina nasawi na sina Aiman Mandi Ali alyas “Aiman Ali”, miyembro ng Daulah Islamiya- Hassan Group at kasama nitong si Hairon Akmad Martin, mga residente ng Purok Pinnen, Brgy. Rosary Heights, Cotabato City.

Batay sa report ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, bandang 8:00 AM ng maganap ang insidente sa naturang lugar.

Sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 19, Isulan, Sultan Kudarat, sa mga kasong Comprehensive Dangerous Firearms and Ammunitions Regulations Act (RA 10591) at illegal gun running (RA 9516), inilatag ang operasyon ng mga tauhan ng Sultan Kudarat Police Provincial Office laban sa mga suspek.

Pagdating sa nasabing lugar bigla agad na pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis kaya napilitan gumanti ng putok ang operatiba.

Tinamaan ang mga suspek sa kanilang katawan na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Nakuha sa mga suspek ang 2 .45 kalibre na baril, granda, bomba, at kemikal sa paggawa ng pampasabog, motorbike, multicab vehicle, drone, at iba’t ibang identification cards.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ang itinuturong responsable sa pagpapasabog sa isang unit ng Yellow Bus Lines malapit sa Tacurong City bus terminal na ikinamatay ng isang pasahero at ikinasugat ng 11 iba pa.

Sinabi pa ng pulisya, sangkot rin si Abu Aiman sa South Seas Bombing sa Cotabato City noong 2018 na ikinamatay ng dalawang katao at 30 ang nasugatan.

Kasama rin umano ito sa mga naging operasyon ng Daulah Islamiyah Abu Turaife at Salahudin Hassan Group sa Central Mindanao. Mary Anne Sapico