2 suspek tiklo sa P800K mobile wallet scam sa mga tindahan

2 suspek tiklo sa P800K mobile wallet scam sa mga tindahan

February 15, 2023 @ 10:41 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na sangkot sa panloloko sa may may-ari ng tindahan sa pamamagitan ng mobile wallet.

Sa impormasyon, sinabi ng biktima na si Dexter Wayas, may-ari ng tindahan, na nagpacash-out sa kanya ang suspek at confirmation na nabawasan na siya ng P1,200.

Sa kabila nito, wala pang natatanggap na confirmation ang biktima na may pumasok na sakanyang pera ngunit nagpumilit ang lalaki na naibigay na nito.

Dahilan ito para ma-pressure si Wayas at ibigay ang pera sa suspek.

Nang mapansin na hindi talaga pumasok ang pera sa mobile wallet, doon na nagsumbong ang biktima sa barangay kung kaya’t agad na natunton ang dalawang suspek sa isa pang tindahan kung saan naman ito magtatangkang manloko.

Sa pagsisiyasat, lumabas na sangkot din ang dalawang suspek sa panloloko sa isang biktima noong Pebrero 8 kung saan P7,700 naman ang natangay na halaga dito.

Itinanggi naman ng dalawang suspek ang paratang laban sa kanila.

Ayon sa QCPD Station 14, lumabas sa imbestigasyon ng Anti-Cyber Crime Group ng PNP na nasa P800,000 halaga rin ang natangay ng suspek sa kani-kanilang serye ng panloloko noong nakaraang linggo.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa kung bahagi ang dalawa ng grupo ng mga sindikato. RNT/JGC