2 taong mandatory NSTP, 4 taong voluntary ROTC program isinusulong sa concensus bill

2 taong mandatory NSTP, 4 taong voluntary ROTC program isinusulong sa concensus bill

November 29, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Iprinisenta sa Senado ang consensus bill na naglalayong gawing dalawang taon ang mandatory national citizens’ service training program (NSTP) at apat na taon ang optional Reserve Officers Training Corps (ROTC) program.

Iniahayag ni Commission on Higher Education Director Spocky Farolan nitong Martes na bumuo ng consensus bill matapos ang serye ng diskusyon.

“The bill will be institutionalizing, if passed, a two-year mandatory national citizens’ service training program in tertiary education. When we say tertiary education, it includes higher education,” ani Farolan sa Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education hearing.

Masasaklaw din ang mandatory NSTP sa vocational courses, na aabot ng hindi bababa sa dalawang taon, na inaalok ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda).

Ang Tesda courses naman na hindi aabot ng dalawang taon ay magkakaroon ng special citizens seminars at mga programa.

Itinutulak din ng consensus bill ang four-year voluntary ROTC program.

“The four-year optional ROTC program, it would really be geared towards producing officers for the regular and reserve force,” ani Farolan. RNT/SA