2 tauhan ng DSWD, ma-attitude, sinibak!

2 tauhan ng DSWD, ma-attitude, sinibak!

July 13, 2022 @ 6:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dalawang empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang sinibak sa posisyon dahil sa kanilang “attitude.”

Hindi pinangalanan ni Secretary Erwin Tulfo ang mga naturang empleyado pero aniya, mula ang mga ito sa DSWD office sa Ninoy Aquino International Airport at sa opisina ng ahensya sa Tagbilaran City, Bohol.

“Common kasi in a government agency, hindi naman lahat ng employees namin, pero karamihan are professionals, they come in at 8 o’clock, they work until 4 o’clock,” ani Tulfo sa isang interbyu.

“Unfortunately, may iilan na they will just come in, 8 to 4, then punched in, hintayin lang ‘yung punch out ng 4 o’clock then may sinasabi because of stress daw dealing with these people, the elderly, and the poor, nakukulitan na so medyo hindi na maganda ‘yung kanilang pakikitungo o attitude,” dagdag niya.

Katunayan, ayon sa kalihim, naka-assign pa nga sa complaints o grievances section ng tanggapan nito sa Tagbilaran City ang isa sa mga sinibak sa trabaho.

“‘Yung sa Tagbilaran naman very unfortunate, she’s in our complaints section, tumatanggap ng reklamo tapos ganoon ang attitude…” saad pa niya.

Samantala, limang hotline operators ang binalaan ni Tulfo dahil sa hindi pagsagot sa mga tawag.

Sa ngayon, abala ang kalihim sa pagtiyak kung may sapat na food packs sa gitna ng typhoon season.

Pero aniya, sa mga susunod na linggo ay kakausapin niya ang mga regional directors para akusyunan ang mga isyu hinggil sa ugali ng mga empleyado. RNT/ JCM