2 taxi driver timbog sa money transfer modus

2 taxi driver timbog sa money transfer modus

February 22, 2023 @ 11:12 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Timbog ang  dalawang taxi driver sa San Isidro, Paranaque matapos mabisto sa money transfer modus.

Base sa imbestigasyon ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), lumapit ang suspek na si Wilfredo Amania sa kakilala niyang nagnenegsoyo ng money transfer gamit ang isang digital wallet.

Umabot sa P95,000 ang money transfer transaction at nang naipadala na umano ng biktima ang nasabing pera, sinabi ng suspek na wala siyang pamalit dito.

“After niya na-send in 4 transactions wala daw pera si suspek. So luckily doon sa store na ‘yon, yung barangay is just around the corner, so na-hold siya,” ani PNP ACG spokesperson Police Captain Michelle Sabino.

Inaresto rin ang kasamahang taxi driver ni Amania na si Albert Malong. Ngunit iginiit ng dalawa na biktima lang din sila dahil na napaniwala umano sula na nananalo sa isang sikat na game show.

Bago raw kasi makuha ang premyo, kailangan daw muna niyang mag-transfer ng pera sa ibinigay na digital wallet kaya humingi siya ng tulong sa kaibigan na negosyante.

Nang maipadala na raw ang pera ay hindi na makontak ang tumawag sa kanila.

Sa ngayon ay tine-trace na ng PNP-ACG ang may-ari ng mga pinagpasahang digital wallet. RNT