2 tiklo sa buy-bust ops sa QC

2 tiklo sa buy-bust ops sa QC

January 13, 2022 @ 7:52 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Himas-rehas ngayon ang dalawang indibidwal na kinabibilangan ng isang babae matapos na kumagat sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) kaninang madaling araw sa nasabing lungsod.

Kinilala ang mga nadakip na sina Michael Bryan Ortiz, nakalista bilang Regional Priority Target Drug Personality at  Josephine Dela Cruz nasa drug watchlist.

Base sa ulat, dakong alas-2:40 ng madaling araw nitong Huwebes nang isagawa ang drug operation sa No. 2 MH Del Pilar St., Brgy. San Antonio, Q.C.

Isang pulis ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang mga suspek.

Nukumpiska sa dalawa ang anim na plastic sachet na naglalamang ng 100 gramo ng shabu na may halagang P680,000 gayundin ang ginamit na buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz