2 tiklo sa iligal na e-sabong sa Maynila

2 tiklo sa iligal na e-sabong sa Maynila

April 7, 2022 @ 4:46 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Binitbit ng mga operatiba ng Manila Police District-District Special Operation Unit (MPD-DSOU) ang dalawa sa anim na nahuli sa online sabong sa Sta.Cruz, Manila.

Sinasabing pinakawalan ang apat na tumataya sa online sabong at dalawa rito ang kinasuhan na nakilalang sina Armi Ray Gavino, 18-anyos at isang John Paul Castillo, 21-anyos na silang nagsilbing teller at kahera.

Batay sa ulat ni DSOU chief Police Major Cicero Pura, dakong 6:30 ng gabi ng Miyerkules nang makatanggap ng report si MPD-District Intelligence Unit chief P/Major Rommel Anicete, kaugnay sa isinasagawang iligal na online sabong sa bahagi ng Pedro Guevarra Street sa Sta. Cruz.

Alas 8:30 ng gabi nang salakayin ng mga operatibo ang lugar kung saan nadakip ang anim na kalalakihan.

Walang naipakitang lisensya ang mga suspek para sa operasyon ng e-sabong.

samantala, tanging ang dalawang staff lamang ng e-sabong ang kinasuhan ng mga otoridad habang pinalaya ang apat nitong mananaya. Jhun Mabanag