2 tiklo sa P136K shabu sa Valenzuela

2 tiklo sa P136K shabu sa Valenzuela

December 16, 2021 @ 2:05 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Dalawang drug personalities kabilang ang isang grab driver ang nakuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Vhal Ramos, 38, grab driver at Jogel Co, 36, driver ng 532 Fe St., Don Pedro, Brgy. Marulas.

Base sa imbestigasyon ni SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela Police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr., bandang alas-10 ng gabi ng magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy bust operation sa bahay ni Ramos sa #15, Palo Alto St.,  Brgy. Marulas.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang plastic sachet ng shabu na nasa P3,000 ang halaga si PSSg Robbie Vasquez na umakto bilang poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at limang pirasong P500 boodle money, P300 cash, coin purse at 2 cellphones.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez