2 tiklo sa P2.3M ‘shabu’ sa Laguna

2 tiklo sa P2.3M ‘shabu’ sa Laguna

February 16, 2023 @ 3:00 PM 1 month ago


LAGUNA – Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang high-value individuals (HVIs) na sangkot sa illegal drugs trade sa isang buy-bust operation sa Brgy. San Cristobal, San Pablo Citynitong Miyerkules.

Kinilala ng Laguna Police Provincial Office (PPO) ang mga suspek na sina alyas Chelle at alyas Ryan.

Isinagawa ng San Pablo City Police Station (CPS) at ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang joint operation.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong malalaking plastic bags ng hinihinalang “shabu” na may timbang na 350 gramo at estimated street value na P2,380,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pablo CPS ang mga suspek at nahaharap sa drug charges.

Isinumite naman ang mga ebidensya sa crime laboratory para sa forensic examination.

Sinabi ni Laguna PPO Director Colonel Randy Glenn G. Silvio na galing Metro Manila ang drug, partikular sa Parañaque City, at dumayo sa probinsya para magbenta ng iligal na droga. RNT/SA