2 tiklo sa P3.5M shabu sa Pampanga buy-bust

2 tiklo sa P3.5M shabu sa Pampanga buy-bust

September 13, 2021 @ 7:37 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Pampanga — Nasabat ang nasa P3.5 milyong shabu mula sa dalawang naarestong suspek sa bayan ng Minalin sa Pampanga, kahapon.

Kinilala ni Col. Arnold Thomas Ibay, direktor ng Pampanga Police Provincial Office, ang mga naaresto na sina Jinky de Dios, 37, tinukoy na high value individual, at isang Julie Ann Besa, 42 na kapwa residente ng Barangay Sta. Trinidad, Angeles City.

May bigat na 515 gramong shabu ang 13 paketeng nasabat na may market value na P3,502,000.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). RNT/FGDC


  •  
  •  
  •