2 tiklo sa P75K shabu

2 tiklo sa P75K shabu

September 12, 2022 @ 4:09 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Dalawang lalaki ang dinakip sa buy-bust operation sa Navotas City nang makuhanan ng halos P75,000 halaga ng shabu sa Navotas City.

Dakong 7:55 p.m. ng Setyembre 10 nang dakpin sa Tanigue Extension St, Barangay North Bay Boulevard South, Dagat-dagatan, ng lungsod sina Nash Lorenz De Castro, alyas “Nash”, 18, ng Barangay San Roque, Navotas, at; si

John Michael Dematera, alyas “Indian”, 35, ng Barangay Sipac Almacen, Navotas.

Nasamsam mula sa mga suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang “shabu” at isang P500 bill na ginamit bilang buy-bust money na may kasamang limang P100 bills na recovered money.

Ang nakumpiskang shabu ay may timbang na 11 gramo at nagkakahalaga na P 74,800.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale), Section 5 (Delivery) and Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drug) sa ilalim ng Art II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga dinakip. Merly Iral