2 tiklo sa QC buy-bust

2 tiklo sa QC buy-bust

December 8, 2021 @ 3:09 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Nadakma ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang tulak ng shabu na kinabibilangan ng isang babae matapos na kumagat sa buy-bust operation kaninang umaga sa nasabing lungsod.

Kinilala ni PMAJ Wennie Ann Cale, Officer in Charge ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang mga nadakip na sina Bryan Cruz at  Zheena Adane.

Base sa ulat, dakong 11:40 ng umaga nang isagawa ang drug operation sa Barangay Ramon Magsaysay, Q.C.

Isang pulis ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang mga suspek.

 Nakumpiska mula sa dalawa ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng 18 grams ng shabu na nagkakahalaga ng 122,400, cellular phone gayundin ang buy-bust money.

Nakapiit na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz