2 timbog sa halos P300K shabu

2 timbog sa halos P300K shabu

May 14, 2022 @ 3:54 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dalawang kilabot na tulak ng iligal na droga ang nadakip ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jayson Ben Bisnar alyas “Venzon,” 37, residente ng Libis Talisay, Brgy. 12, at Jeffrey Estallo alyas “Pilay,” 31, ng PNR Compound, Brgy. 73.

Nasakote ang dalawa sa basketball court sa Julian Felipe St., Brgy. 8, 12:50 a.m. nang paiskorin ng P2,500 halaga ng shabu ang isang undercover.

Nasamsam sa dalawa ang sa 40 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P272,000 at buy-bust money. Merly Iral