2 timbog sa Navotas buy-bust

2 timbog sa Navotas buy-bust

April 3, 2022 @ 2:35 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki magtapos makuhanan ng mahigit P300,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Navotas City.

Magkasunod ibinalibag sa selda sina Sonny Fernando y De Juan at ang kosa niyang si Zainudin Kamilan y Sampayan.

Natiklo ang dalawa sa operasyong isinagawa 1:10 am ng Abril 1 sa  Dalagang Bukid St., Cor. C3, Brgy. North Bay Boulevard South, Dagat-Dagatan.

Abot sa 50 gramo ng shabu na may presyong P340,000 ang nakumspiska sa mga suspek na ngayon ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002. Merly Iral