2 timbog sa P3.5M shabu sa Caloocan

2 timbog sa P3.5M shabu sa Caloocan

March 23, 2022 @ 1:20 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Swak sa hoyo ang dalawang lalaki nang makumpiskahan ng halos P 3.5 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City.

Kinilala ang mga dinakip na sina Ernesto Baculi, 32, at; Johnson Salvador, 33, na kapwa dinampot noong Marso 20.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang limang nakabuhol na plastik na naglalaman ng kalahating kilong shabu na nagkakahalaga ng P3,450,000; isang android mobile phone, at marked money.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang haharapin ng mga suspek. Merly Iral